Mag-rehistro

Kasalukuyang Katayuan ng Claim

19-05-2026

Disclosure request

Nagsimula na kami ng mga legal na hakbang laban sa Wagenborg, isa sa mga malalaking shipping companies sa Netherlands, upang makakalap ng mga impormasyong mahalaga para sa ating kaso.

Partikular dito, hinihiling namin ang access sa lahat ng mga collective labour agreements (CAO’s at CBA’s) na ipinapatupad sa mga Pilipino at Indonesian seafarers, mga crew lists na nagpapakita ng nasyonalidad at tungkulin ng mga seafarers sa barko, at impormasyon tungkol sa corporate structure ng Wagenborg group of companies.

Noong Nobyembre 2025, pormal naming hiningi ang impormasyong ito nang direkta mula sa Wagenborg. Ngunit hindi sila tumugon. Dahil dito, wala kaming ibang hakbang kundi humingi ng access sa pamamagitan ng mga hukuman, gamit ang mga bagong Dutch rules sa preliminary disclosure (voorlopige bewijsverrichtingen).

Patitibayin ng mga hininging impormasyon ang ating kaso. Kinakailangan ang hakbang na ito para sa pagbuo ng pinakamatibay na posibleng kaso para sa patas na sahod at pantay na pagtrato para sa lahat ng mga seafarers. Patuloy namin kayong babalitaan habang umuusad ang mga pagdinig.
17-04-2026

Mga pagtutol laban sa general binding declaration

Nilalabanan namin ang request ng mga shipowners at labor unions na ipatupad ang diskriminatoryong Collective Labour Agreement bilang generally binding sa lahat ng Dutch merchant ships

Noong ika-27 ng Marso ng 2026, naglabas ang Dutch government ng panukala sa Government Gazette. Sinasabi ng panukala na gawing may-bisa para sa lahat ng mga Dutch merchant ships (CAO Handelsvaart 2026) ang buong 2026 Collective Labour Agreement (CLA) para sa merchant ships.

Noong ika-14 ng Abril 2026, naghain ng mga pormal na pagtutol ang Equal Justice Equal Pay Foundation. Tinatarget namin ang isang partikular na probisyon: ang Article 3(2). Ibinubukod ng probisyon na ito ang mga seafarers mula sa Pilipinas, Indonesia, at Ukraine sa mga standard wage at working condition na ipinatutupad sa kanilang mga kapwa manggagawa na European - kahit na pareho lamang ang kanilang trabaho sa parehong barko.

Naniniwala kami na dapat i-reject ang Article 3(2). Narito ang mga dahilan:

May diskriminasyon. Tinatrato ng Article 3(2) nang magkaiba ang mga seafarers batay sa kanilang nasyonalidad at kung saan sila nakatira. Nilalabag nito ang batas ng Netherlands at ang pandaigdigang batas. Kinumpirma ito ng Dutch Institute for Human Rights sa dalawa nitong magkahiwalay na desisyon noong Agosto 2025.

Gumagawa ito ng hindi patas na kompetisyon sa pagitan ng iba't ibang grupo ng mga seafarers. Layunin ng pagpapalawig ng isang collective agreement sector-wide na ang lahat ay para masigurong pantay ang laban at pareho ang batas para sa lahat. Kabaligtaran nito ang Article 3(2): pinahihintulutan nito ang mas mababang sahod para sa isang malaking grupo ng mga manggagawa.

Walang economic justification para sa diskriminasyong ito. Sabi ng mga employer na ang pantay na sahod ay makakasama sa shipping industry sa Netherlands. Ngunit ayon sa independent na economic research na isinagawa ng EJEP Foundation, hindi ito totoo. Ang mga labour costs ay maliit na bahagi lamang ng kabuuang gastos ng mga shipping companies sa Netherlands. At may iba pang mga paraan upang pamahalaan ang anumang pagtaas ng gastos.

Nananawagan kami sa Minister of Social Affairs and Employment na i-reject ang request na ideklara ang CLA bilang generally binding. Panahon na upang bumalik sa negosasyon – at bumuo ng isang kasunduan na nagbibigay ng patas na pagtrato sa bawat seafarer.

20-08-2025

Netherlands Institute for Human Rights: Labag sa batas ang ginagawang diskriminasyon ng mga Dutch ship owners laban sa mga Pilipino at Indonesian seafarers

Tinulungan ng Equal Justice Equal Pay Foundation ang dalawang seafarers na Pilipino at Indonesian na nagsampa ng reklamo sa Netherlands Institute for Human Rights (Institute) noong Hulyo 2023. Ang pagdinig ay ginawa sa dalawang sesyon, isa noong Oktubre 2024 at isa noong Enero 2025. Hiningi sa Institute na magpasya tungkol sa hindi patas na pasahod sa mga seafarers...
Magbasa pa
2026 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
crosschevron-down linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram