Magrehistro

Ang Claim

Inimbestigahan namin kung paano binabayaran ang mga Indonesian at P ilipino na seaman sa mga barko sa ilalim ng bandila ng Netherlands. Maingat rin naming sinuri ang mga batas at regulasyong European at Dutch. Nakita sa pagsasaliksik na isinagawa ng Equal Justice Equal Pay Foundation na nagbabayad ang mga Dutch shipping companies at/o may-ari ng barko ng sadyang mas mababang sahod sa mga seaman mula sa Indonesia at Pilipinas sa loob ng maraming mga taon, kahit na pareho ang trabahong ginagawa nila at ng ibang lahi.

Taun-taon, mahigit 10,000 marino na Indonesian at Filipino ang nagtatrabaho sa mga barkong may bandilang Dutch. Anuman ang trabahong nasasakyan nila, ang kanilang sahod ay nasa average na 60-65% na mas mababa kaysa sa sahod para sa mga European na marino na gumaganap ng eksaktong parehong trabaho, madalas sa parehong mga barko. 

Ang diskriminasyon sa sahod, o ‘di pantay na suweldo, ay ilegal sa Netherlands, sa European Union, at sa karamihan ng mga bansa sa mundo.

Paano ito gumagana?

Ang Claim

Inimbestigahan namin kung paano binabayaran ang mga Indonesian at P ilipino na seaman sa mga barko sa ilalim ng bandila ng Netherlands. Maingat rin naming sinuri ang mga batas at regulasyong European at Dutch. Nakita sa pagsasaliksik na isinagawa ng Equal Justice Equal Pay Foundation na nagbabayad ang mga Dutch shipping companies at/o may-ari ng barko ng sadyang mas mababang sahod sa mga seaman mula sa Indonesia at Pilipinas sa loob ng maraming mga taon, kahit na pareho ang trabahong ginagawa nila at ng ibang lahi.

Taun-taon, mahigit 10,000 marino na Indonesian at Filipino ang nagtatrabaho sa mga barkong may bandilang Dutch. Anuman ang trabahong nasasakyan nila, ang kanilang sahod ay nasa average na 60-65% na mas mababa kaysa sa sahod para sa mga European na marino na gumaganap ng eksaktong parehong trabaho, madalas sa parehong mga barko.

Ang diskriminasyon sa sahod, o ‘di pantay na suweldo, ay ilegal sa Netherlands, sa European Union, at sa karamihan ng mga bansa sa mundo.

Paano ito gumagana?

01

Magrehistro

Ng iyong kumpletong personal na detalye at mag-upload ng mga kopya ng mga kontrata sa pagtatrabaho, halimbawang iba’t ibang mga paystub/payslip, manwal sa pagka-empleyo sa barko/mga patnubay, atbp., para matukoy namin ang iyong pagiging kwalipikadong sumali sa kaso.
02

Rerepasuhin namin ang isinumite

at isasama ka sa kaso kung ikaw ay kwalipikado. Babalitaan ka namin sa pamamagitan ng email at aming website.
03

Simulan ang claim:

Kung kwalipikado ka, hihilingin namin sa iyo na lumagda sa isang kasulatan na nagtatalaga ng iyong claim sa Foundation (nagpapahintulot sa amin na ituloy ang iyong claim sa ngalan mo).
04

Magsasampa kami ng kaso

sa Netherlands sa ngalan ng pinagsamang grupo ng mga marino na sumali sa aming kaso, upang subukang bawiin ang makakaya sa mga pinagkait na back-pay, na siyang hahawakan ng espesyalistang law firm, Rubicon Impact & Litigation
05

Pagpanalo sa kaso:

Kung magtagumpay kami sa pagbawi ng anumang pinagkait na sahod, ipapadala namin sa iyo ang iyong bahagi ng gantimpala sa bank account na iyong pinili, pagkatapos ng pagbawas sa mga gastos tulad ng ipinapakita sa website na ito.

Magrehistro

Kung ayaw mong makatakas ang mga Dutch na may-ari ng barko sa kanilang mga pinaggagawa laban sa iyo at ng iyong mga kasamahan.
Magrehistro
Posible na ngayon para sa isang foundation tulad ng Equal Justice Equal Pay Foundation na magsampa ng kaso sa Netherlands sa ngalan ng isang buong grupo ng mga claimant upang maibalik ang kanilang pera.

Kapag tapos na ang kaso, ang iyong personal na claim ay susuriin ng isang independiyenteng "claims administrator" na kakalkulahin ang back-pay na nararapat ibigay sa iyo sa kumpidensyal na paraan. 

Ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay isang makapangyarihan at pondonadong organisasyon.

Kami lang ang tanging organisasyon sa buong mundo na nagsimula ng isang kasong pangkolektibo sa Netherlands upang pilitin ang mga Dutch na may-ari ng barko na magbayad ng anuman at lahat ng back-pay at/o iba pang kabayaran kung saan ang mga Indonesian at Pilipinong marino ay legal na may karapatan, sa pantay na katayuan sa kanilang European na mga katrabaho sa ilalim ng mga Dutch na collective bargaining agreement at batas laban sa diskriminasyon.

We are the only organization in the world to start a group action in the Netherlands to force Dutch shipowners to pay any and all back-pay and/or other compensation to which Indonesian and Filipino seafarers are legally entitled, on equal footing with their European co-workers under Dutch collective bargaining agreements and non-discrimination laws.

Ito ay isang "walang panalo, walang bayad" na kaso kung saan ang mga marino ay hindi kailangang magbayad ng anumang pera para makasali.

Kung manalo ang Foundation sa kaso, ang mga seaman na sumali ay makakatanggap ng kanilang bahagi ng ipinagkait na sahod na nabawi mula sa mga Dutch na may-ari ng barko, pagkatapos ibawas ang mga gastos na itinakda sa website na ito. Kung hindi m agtagumpay ang Foundation, wala kang gagastusin.

Kung nagtrabaho ka sa isang Dutch na barko, at may residence ka sa Pilipinas o Indonesia sa mga panahon ng iyong pagtatrabaho, malamang ay nabiktima ka na ng iligal na gawain nila. Magrehistro na ngayon para malaman kung kwalipikado ka bang sumama sa grupo. Sa pagrehistro, kailangan mo lamang ibigay ang iyong basic na impormasyon, kasama ang iyong payslips at statements, mga detalye ng iyong mga paglalakbay sa Dutch ships, at titulo ng iyong trabaho. Iimbestigahan namin ang iyong mga isinumite matapos mong ipasa ito, at aabisuhan ka namin agad kung ikaw ay kwalipikado. Kapag parte ka na ng grupo, wala ka nang ibang kailangang gawin.

Itinalaga ng Equal Justice Equal Pay Foundation ang specialist disputes law firm na Rubicon Impact & Litigation, na nakabase sa Amsterdam, upang kumatawan sa Foundation sa kasong ito. Ang mga abogado na nakatutok sa kaso ay sina:
Si Frank Peters
Isang kasosyo sa Rubicon Impact & Litigation na may 24 na taong karanasan sa pagsasanay ng batas na may partikular na kadalubhasaan sa komersyal, internasyonal at pang-grupong paglilitis.
Magbasa pa
Maxime Eljon
Sa siyang associate sa Rubicon Impact & Litigation na nakatutok sa dispute resolution, kasama ang mass damage na mga kaso at international commercial contracts. May katangi-tangi siyang kahusayan sa tort law. Nakatutok siya ngayon sa mga group actions na may human rights violations.
Magbasa pa
Sarah Stapel
Bilang isang associate sa Rubicon na nakatutok sa proteksyon ng mga pundamental na karapatan gamit ang kolektibong pangkakaso, kasama siya sa samu’t-saring class actions na naglalayong sabay na protektahan ang mga karapatang ito at maningil ng danyos para sa mga paglabag nito.
Magbasa pa
2025 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
This initiative is powered by
crosschevron-down