Mag-rehistro
25 August 2026

EJEP: Ang panganib sa ‘reflagging’ ng Dutch shipowners ay isang isyung pinalabis at hindi makatwirang dahilan para sa diskriminasyon sa seafarers.

Agosto 28, 2026
Seafarersclaim
Agosto 28, 2026
Seafarersclaim
Agosto 28, 2026
Seafarersclaim
Agosto 26, 2026
Seafarersclaim
Setyembre 9, 2025
Seafarersclaim
Agosto 27, 2025
Seafarersclaim

Ang Equal Justice Equal Pay Foundation (EJEP), na lumalaban sa diskriminasyong nararanasan ng mga Indonesian at Pilipinong seafarer sa industriyang shipping sa Netherlands, ay humiling sa House of Representatives ng Netherlands at ang Dutch na gobyerno na isaalang-alang ang opinyon ng SEO Economisch Onderzoek (SEO) ukol sa ulat na ipinagawa ng Ministro ng Imprastraktura at Pamamahala ng Tubig (Ministro) at isinagawa ng HCSS at Deloitte 'The flag register and the country of residence principle, economic and strategic value'.

Ang banta ng reflagging ay natagpuang walang basehan at ang bunga nito ay limitado lamang
Ginagamit ng mga Dutch na may-ari ng mga barko ang 'country of residence principle' para mabigyang-katwiran na dalawa hanggang apat na beses na mas mababa ang pagpapa-suweldo sa mga Indonesian at Pilipinong seafarer kumpara sa kanilang kasahamahang mula sa ibang bansa. Nagbabanta ang mga may-ari ng barko na magpapalit ang karamihan sa kanila mula sa bandilang Dutch kung hindi sila papayagang ipagpatuloy ang kanilang gawaing nagdudulot ng diskriminasyon. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang konklusyon ng SEO (na may kaugnayan sa University of Amsterdam) ay pinalalabis ng ulat ng HCSS at Deloitte ang mga panganib ng reflagging ng mga barkong Dutch. Naniniwala ang EJEP na walang basehan ang banta na isuko ng mga may-ari ng barko ang bandilang Dutch.

Dagdag dito, inimbestigahan ng SEO ang maaaring idulot sa ekonomiya ng pagpapalit ng may ari ng barko. Ayon sa SEO, maaaring kakaunti lamang o wala talagang epekto sa ekonomiya ng Netherlands ang pagsasawalang-bisa ng 'country of residence principle' sa pagpapasahod ng mga Indonesian at Pilipinong seafarer. Natagpuan ng SEO na kulang sa ebidensya ang sinasabing maaaring negatibong epekto sa pampublikong interes tulad ng kaligtasan sa karagatan, pagpapanatili nito at strategic autonomy.

Ang nakaraang hatol ng Human Rights Institute: ang diskriminasyong ito ay ipinagbabawal
On 18 August 2025, the Netherlands Institute for Human Rights (CRM) ruled in two cases on the current practice of Filipino and Indonesian seafarers being systematically paid significantly less than their Dutch or EU colleagues for the same or similar work on the same ships.

Sa desisyon ng CRM, sinabi na ang aplikasyon ng 'country of residence principle' na pinapatuloy ng mga may-ari ng barko na Dutch ay ipinagbabawal na diskriminasyong batay sa nasyonalidad at lahing nakasampa sa mga barkong Dutch. Ang mga seafarer sa mga paglilitis na ito ay sinuportahan ng EJEP. Kasama sa anunsyo ng Ministro, ang EJEP ay pinapanagot ang Estado, at ang mga shipping company, para sa mga pinsalang napagdusahan ng mga seafarer na kinakatawan ng EJEP.

Ang Equal Justice Equal Pay (EJEP) Foundation
Ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay isang non-profit organization. Ang itinakdang layunin nito ay isulong ang kapakanan ng mga seafarer at mga dating seafarer na nagdurusa, nanganganib na magdusa, at/o nakaranas ng pinsala bunga ng mga gawa o pagkukulang ng isa o higit pang mga shipping company at/o mga third party. Sa ilalim ng layuning ito, ipinagtatanggol ng EJEP ang mga seafarer mula sa Pilipinas at Indonesia na kasalukuyan o dati nang nagtatrabaho sa mga barkong Dutch simula noong 15 Nobyembre 2016. Ang EJEP ay kinakatawan ng mga abogado mula sa Rubicon Impact & Litigation.

2026 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
crosschevron-down linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram