Mag-rehistro
17 April 2026

Mga pagtutol laban sa general binding declaration

Pebrero 11, 2020
Seafarersclaim
Disyembre 11, 2019
Seafarersclaim
Nobyembre 11, 2019
Seafarersclaim
Marso 8, 2018
Seafarersclaim
Pebrero 11, 2016
Seafarersclaim
Abril 6, 2005
Seafarersclaim

Nilalabanan namin ang request ng mga shipowners at labor unions na ipatupad ang diskriminatoryong Collective Labour Agreement bilang generally binding sa lahat ng Dutch merchant ships

Noong ika-27 ng Marso ng 2026, naglabas ang Dutch government ng panukala sa Government Gazette. Sinasabi ng panukala na gawing may-bisa para sa lahat ng mga Dutch merchant ships (CAO Handelsvaart 2026) ang buong 2026 Collective Labour Agreement (CLA) para sa merchant ships.

Noong ika-14 ng Abril 2026, naghain ng mga pormal na pagtutol ang Equal Justice Equal Pay Foundation. Tinatarget namin ang isang partikular na probisyon: ang Article 3(2). Ibinubukod ng probisyon na ito ang mga seafarers mula sa Pilipinas, Indonesia, at Ukraine sa mga standard wage at working condition na ipinatutupad sa kanilang mga kapwa manggagawa na European - kahit na pareho lamang ang kanilang trabaho sa parehong barko.

Naniniwala kami na dapat i-reject ang Article 3(2). Narito ang mga dahilan:

  • May diskriminasyon. Tinatrato ng Article 3(2) nang magkaiba ang mga seafarers batay sa kanilang nasyonalidad at kung saan sila nakatira. Nilalabag nito ang batas ng Netherlands at ang pandaigdigang batas. Kinumpirma ito ng Dutch Institute for Human Rights sa dalawa nitong magkahiwalay na desisyon noong Agosto 2025.
  • Gumagawa ito ng hindi patas na kompetisyon sa pagitan ng iba't ibang grupo ng mga seafarers. Layunin ng pagpapalawig ng isang collective agreement sector-wide na ang lahat ay para masigurong pantay ang laban at pareho ang batas para sa lahat. Kabaligtaran nito ang Article 3(2): pinahihintulutan nito ang mas mababang sahod para sa isang malaking grupo ng mga manggagawa.
  • Walang economic justification para sa diskriminasyong ito. Sabi ng mga employer na ang pantay na sahod ay makakasama sa shipping industry sa Netherlands. Ngunit ayon sa independent na economic research na isinagawa ng EJEP Foundation, hindi ito totoo. Ang mga labour costs ay maliit na bahagi lamang ng kabuuang gastos ng mga shipping companies sa Netherlands. At may iba pang mga paraan upang pamahalaan ang anumang pagtaas ng gastos.

Nananawagan kami sa Minister of Social Affairs and Employment na i-reject ang request na ideklara ang CBA bilang generally binding. Panahon na upang bumalik sa negosasyon – at bumuo ng isang kasunduan na nagbibigay ng patas na pagtrato sa bawat seafarer.

2026 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
crosschevron-down linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram