Tinulungan ng Equal Justice Equal Pay Foundation ang dalawang seafarers na Pilipino at Indonesian na nagsampa ng reklamo sa Netherlands Institute for Human Rights (Institute) noong Hulyo 2023. Ang pagdinig ay ginawa sa dalawang sesyon, isa noong Oktubre 2024 at isa noong Enero 2025. Hiningi sa Institute na magpasya tungkol sa hindi patas na pasahod sa mga seafarers.
Noong Agosto 18 2025, nagpasya ang Institute na ito ay malinaw na iligal na diskriminasyon. Aniya ng Institute:
Isang malaking panalo ito para sa lahat ng seafarers at para sa pagtatanggol ng karapatang pantao. Samakatuwid, mahalagang hakbang ito para patunayan na hindi tama at labag sa batas ang ganitong klaseng diskriminasyon sa mga Dutch ships.
Ano ang susunod na hakbang?
Bagama’t hindi binding ang desisyon, may impact pa rin ito. Naghahanda na kami magsampa ng class action case sa Dutch Court para katawanin ang lahat ng seafarers na Pilipino at Indonesian at ipagpatuloy ang laban na ito. Sa kasong ito, layon naming idemanda bilang danyos at mabawi ang sahod na ipinagkait sa inyo sa nakaraang limang taon.
Paano ka makakasali?
Maaaring magrehistro ang mga seafarers na Pilipino at Indonesian para maging bahagi ng class action na ito sa seafarersclaim.com Maraming bagong seafarers na sumasali sa kaso bawat araw. Halos 14,000 na Pilipino at Indonesian seafarers na ang nagpahayag ng interes na makiisa sa laban na ito.
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng suporta at natutuwa na pumabor ang Institute sa mga seafarers na Pilipino at Indonesian na aming kinakatawan.