This is the privacy statement of the Equal Justice Equal Pay Foundation (hereafter: “the Foundation” or “we
Ito ang privacy statement ng Equal Justice Pay Foundation (simula ngayon: ang “Foundation” o “kami”) (Chamber of Commerce registration: 86307835), itinatag sa Amsterdam, visiting address (1019 AN), Amsterdam at Pigmentstraat 51. Pinapahalagahan ng Foundation ang inyong pribasiya at kami ay nakatuon sa proteksyon ng personal na datos ng bawat miyembro ng Support Group.
Kinakatawan ng Foundation ang mga interes ng seaman at dating seaman (ang “Support Group”) na nakakaranas, nakaranas, o maaring makaranas ng danyos mula sa mga may-ari ng barko at kanilang mga kasama, kasama na ang mga manning agencies (ang mga “Ship owners”). Maaring magsampa ng kaso, negosasyon, o areglo ang Foundation para sa Support Group laban sa mga Ship owners.
Tinutulungan ng Foundation ang mga mamamayan ng Republika ng Pilipinas at Indonesia na nakapagtrabaho na, direkta at hindi direkta, sa mga barkong rehistrado sa Kingdom ng Netherlands at nakakuha ng sahod ng mas mababa at nakaranas ng mga kondisyong may diskriminasyon.
Inilalarawan ng privacy statement na ito kung paano pinoproseso ng Foundation ang iyong personal na datos at kung aling mga karapatan ang mayroon ka. Ang Foundation ay ang controller ukol sa pagproseso ng iyong personal na datos na inilarawan sa privacy statement na ito. Ang lahat ng personal na datos ay kinokolekta, pinoproseso at isinisecure alinsunod sa General Data Protection Regulation (“GDPR”).
Maaring ipadala ang mga katanungan at mga komento ukol sa pagproseso ng Foundation ng iyong personal na datos sa board ng Foundation, sa email na ito: Privacy@seafarersclaim.com.
Mayroong pdf version ang privacy statement na ito, na maaring itago o iprint, na maaring idownload mula rito.
Ang impormasyon na ginagamit ng Foundation ay nagmumula sa:
Pinoproseso ng Foundation ang sumusunod na personal na datos at impormasyon ng mga miyembro ng Support Group:
Kapag binisita mo ang aming website, www.seafarersclaim.com, kailangan namin ng iilang mga datos o impormasyon upang gumana nang maayos ang Website at para na rin sa mga layuning pangseguridad. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa device na ginagamit mo upang bisitahin ang website at datos tungkol sa iyong nabigasyon at iyong gawi sa aming website. Nag-iimbak din kami ng impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng cookies (Basahin dito ang aming Cookie Policy).
Isinusulong namin ang aming layunin sa mga potensyal na miyembro ng Support Group sa pamamagitan ng social media. Dahil dito, pinoproseso namin ang:
Pinoproseso ng Foundation ang iyong mga datos para sa mga susunod na layunin:
Layunin at legal na batayan | Mga halimbawa |
Partisipasyon - Upang aming maproseso ang inyong partisipasyon sa panghahabla (kung sakaling pumasok kayo sa isang Agreement o Deed of Assignment, Exclusive Mandate o Power of Attorney kasama ng Foundation) Basehang legal: ang maisakatuparan ang kontrata namin sa iyo (kasama na ang mga legal obligations katulad ng tax atbpng administrative obligations |
|
Paghawak ng kaso - Ang pagkakatawan sa interest ng mga miyembro ng Support Group laban sa mga Ship owners sa loob at labas ng korte. Basehang legal: ang maisakatuparan ang kontrata namin sa iyo at maitupad ang mga obligasyong legal ukol sa financial/fiscal records |
|
Pagkikilala Basehang legal: ang maisakatuparan ang kontrata naming maisakatotohanan ang pagkakakilanlan ng mga participant. |
|
Komunikasyon Ang makausap ka at mapadalhan ka ng mga updates ukol sa kaso. Basehang legal: ang maisakatuparan ang kontrata namin at ang iyong pahintulot sa pagpapadala ng newsletter. |
|
Pagiwas sa Panloloko (Fraud prevention) Basehang legal: ang aming lehitimong interest na makaiwas sa panloloko. |
|
Ang pagprotekta sa mga interes ng Foundation Basehang legal: ang aming lehitimong interest na protektahan ang aming sarili. |
|
Ang Paggana ng Website Basehang legal: ang maisakatuparan ang kontrata namin sayo. |
|
Ang Analytics ng Website Basehang legal: ang aming lehitimong interes na ayusin ang aming website at imonitor ang mga komunikasyong ginaganap sa loob at sa pamamagitan ng aming website.. |
|
Ang tukuyin ang mga potensyal na miyembro ng Support Group Basehang legal: ang iyong pahintulot. |
|
Ang personal na datos at impormasyong nakalap ng Foundation ay hindi mananatili nang mas matagal kaysa sa kinakailangan para sa mga layunin kung saan ito kinolekta. Kung maaari, ang personal na datos ay gagawing pseudonymized o ang pagpapalit ng iilang impormasyong maaaring magturo sa pagkakakilanlan ng isang naturang "pseudonym".
Ang mga sumusunod na retention terms, bukod pa sa iba, ay nalalapat.
Personal na datos sa loob ng active files | Hanggang sa matapos ang legal process at ang archiving period (tignan ang nakalahad sa ibaba) |
Personal na datos sa archived files | 20 taon mula sa petsa na ang file ay naitago. Kung ito ay kakailanganing maging aktibo muli, ang retention terms ay magsisimula muli. |
Personal na datos sa financial administration o administrasyong pang-pinansiyal | 7 taon mula sa fiskal na taon (fiscal year) |
Cookie information | Pinakamahaba na ang 6 na buwan (mangyaring sumangguni sa aming pahayag tungkol sa cookie para sa panahon ng expiration) |
Ang Foundation ay maaaring gumamit ng serbisyo ng mga third party upang iproseso ang iyong personal na datos alinsunod sa Privacy Policy na ito. Ang ilan sa kanila ay nagsisilbing mga tagaproseso para sa Foundation at tinitiyak ng Foundation na sila ay nagbibigay ng sapat na proteksyon sa mga tuntunin ng teknikal o organisasyonal na security measures
Ibabahagi lamang ng Foundation sa mga ikatlong partido ang iyong datos na personal sa hangganang kailangan na nakasaad dito sa privacy statement. Halimbawa, maaring ibahagi ng Foundation ang iyong personal na datos sa mga abogado, counterparties, process financiers, experto, sa mga korte, bailiffs at katulad na partido.
Isinusulong ng Foundation ang mga layunin nito sa:
Sa ibang mga kasong di kasama sa itaas, ipapamahagi lamang ng Foundation ang iyong personal data sa mga third party kung ibibigay mo ang iyong pahintulot, o kung kailangan ito upang sumunod sa mga obligasyong legal, or kung kakailanganin ito para sa mga lehitimong interes ng Foundation o mga third parties. Kung posible, gagawing pseudonymized ang mga personal data.
Ang iyong personal na datos ay itatago o iproproseso sa labas ng EU/EEA namin o ng ikatlong partido kapag sang-ayon ito sa naaangkop na regulasyon para sa paglipat ng personal na datos sa mga bansa sa labas ng EU/EEA. Ibig sabihin nito ay ililipat lamang namin ang iyong personal na datos sa ibang bansa na nasa labas ng EU/EEA kapag nag desisyon European Commission na ang ikatlong bansa na iyon ay kaya mag bigay ng ganap na proteksyon, o kapag hindi kaya magbigay ng ganap na proteksyon, katulad ng “adequacy decision” o ang paggamit ng “unmodified standard contractual clauses” na inaprubahan ng European Commission. Mahahanap ito sa https://ec.europa.eu/info/law/law-topic/data-protection/data-transfers-outside-eu/model-contracts-transfer-personal-data-third-countries_en.
Ang cookies ay maliliit na text file na nakaimbak sa iyong kompyuter, smartphone o iba pang device kapag binisita mo ang aming website na www.seafarersclaim.com. Ang mga cookies na ito ay makakatulong upang aming paganahin, suriin, pamatnugutan ang aming website. Tinatandaan ng cookies ang datos mula sa iyong nakaraang pagbisita sa website upang maglahad ng mas makabuluhang impormasyon para sa iyo. Gayundin, kami ay gumagamit ng iba’t-ibang teknik, tulad ng web beacons at pixels.
Maliban sa impormasyon na iyong ibinigay, hindi kami pinahihintulutan ng cookies na magkaroon ng iba pang access sa inyong mga kompyuter, smartphone, o iba pang gadget. Bilang taga-bisita ng aming website, ikaw ay may karapatan na i-accept o i-reject ang mga cookies, maliban sa mga functional cookies at cookies na may limitado o walang epekto sa iyong privacy. Bukod dito, maari mong ibahin ang settings ng iyong web browser at tanggihan ang cookies na ito. Ngunit baka hindi gumana ang aming website
Ginagamit ng Foundation ang sumusunod na first party cookies, na inilagay mismo ng Foundation:
Upang mahanap ang cookies na ginamit ng Foundation, mangyaring sumangguni sa aming Cookie policy .
Ang GDPR ay nagbibigay sa iyo ng karapatan ng pag-access, pagwawasto at pagbura ng iyong personal na datos. Bilang karagdagan, maaari mo ring hilingin sa amin ang paghihigpit sa pagproseso ng nasabing datos, o ang paglipat ng personal na datos, at may karapatan ka ring tumutol sa pagproseso. Maaari mong gamitin ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Privacy@seafarersclaim.com May karapatan ka ring magsampa ng reklamo sa awtoridad ng pangangasiwa ng Dutch, ang Autoriteit Persoonsgegevens (https://autoriteitpersoonsgegevens.nl/nl/zelf-doen/privacyrechten/klacht-indienen-bij-de-ap).
Ang Foundation ay nagsasagawa ng naaangkop na teknikal at organisasyonal na mga hakbang upang maprotektahan ang iyong personal na data laban sa pagkawala o labag sa batas na pagproseso.
Huling na-update ang privacy statement na ito noong 3 Hunyo 2022. Maaari naming baguhin ang privacy statement na ito paminsan-minsan. Samakatuwid, ipinapayo namin sa iyo na regular na basahin ang privacy statement na ito. Sakaling may malalaking pagbabago sa privacy statement na ito, magpapadala kami ng isang malinaw na pagbabalita upang kayo ay maabisuhan.