Ang Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) ay isang non-stock, non-profit, legal focused advocacy and service institution na inorganisa upang tugunan ang mga legal at teknikal na pangangailangan ng mga marginalized, disempowered, at vulnerable groups, partikular na ang mga benepisyaryo ng agrarian reform, magsasaka, mga migrant sectors, pati na ang mga komunidad na apektado ng mga sakuna at biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao. Minimithi ng IDEALS ang mamamayang pinalakas ng pinapakinggang pamumuno, pantay-pantay na pagkakataon, at abot-kayang hustisya.
Ang “The Outlaw Ocean Project” (o “OOP”) ay isang non-profit na samahang pamamahayag na nagbabahagi ng mga kuwentong imbestigatibo tungkol sa mga isyung manggagawa sa karagatan, sa mga karapatang pantao, at sa kalikasan. Inaasam ng OOP na mangmulat sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan at pagpapalawak ng pag-unawa ng publiko tungkol sa mga problemang lumulutang at lumulubog sa dagat, at sa pagsasalaysay ng iba’t ibang krimen sa karagatan, kabilang dito ang pagiging stranded ng mga marino, modernong pang-aalipin, ang pagpapatay ng mga stowaway, ang pagnanakaw ng mga barko, ang pagpupuslit ng armas, at ang pagpatay nang walang parusa.