Magrehistro

Mga Madalas Itanong

  • Tungkol saan ang kaso?

    May diskriminasyon sa pagpapasweldo ang mga Dutch na may-ari ng mga barko. Binabayaran nila ang mga Indonesian at Filipino crew members ng sahod na halos 60 - 65% mas mababa kumpara sa ibang lahi. Labag ito sa batas.

    Magsasampa ang Equal Justice Equal Pay Foundation ng kaso sa Netherlands upang makolekta ang sumatutal na kulang sa inyong sweldo sa loob ng nakaraang 5 taon.

  • Sino ang maaaring sumali?

    Maaari kayong sumali kung nakatira kayo sa Indonesia o Pilipinas at nagtrabaho sa isang barkong Dutch mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.

  • Ano ang Equal Justice Equal Pay Foundation?

    Ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay isang non-profit na foundation sa ilalim ng Dutch na batas. Ito ay itinaguyod para isulong ang interest ng mga marino mula sa mga bansang mabababa ang sweldo. Nagsusumikap itong protektahan ang mga marino laban sa pananamantala at diskriminasyong pagtrato at palawigin ang kamalayan sa kanilang kalagayan sa buong mundo, kabilang ang Indonesia at Pilipinas, Netherlands at EU; sa media, legal na literatura at scholarship, at sa mga pulitiko at iba pang mga gumagawa ng patakaran at desisyon. Higit pa nitong hinahangad na mapanatili ang pakikipagtulungan sa mga lokal at banyagang trade union, at sa iba pang mga kalahok sa industriya at mga kaugnay na ahensya ng gobyerno.

  • Sino ang mga defendant?

    Ang mga Dutch na may-ari ng barko na nagbabayad sa mga Indonesian at Pilipinong seafarers, o mga marino, ng mas mababang sahod, kumpara sa mga marino ng iba pang bansa.

  • Paano ako makakasali sa kaso?

    Simple lang. Bisitahin ang aming website www.seafarersclaim.com, at sagutan ang registration form.

    Upang malaman kung kayo ay karapat-dapat, kailangan niyong ipadala o i-upload ang mga sumusunod:

    • pangalan at contact information
    • kopya ng inyong ID
    • kopya ng inyong employment contract
    • sample ng inyong paystubs/pay slips
    • (kung meron) ship employment manuals/guidelines

    Maari kayong magpadala ng inyong mga katanungan sa info.tag@seafarersclaim.com kung kailangan niyo ng karagdagang tulong.

  • Anong mga dokumento at impormasyon ang kailangan ko para lumahok sa claim?

    Upang malaman kung kayo ay karapat-dapat, kailangan niyong ipadala o i-upload ang mga sumusunod:

    • pangalan at contact information
    • kopya ng inyong ID
    • kopya ng inyong employment contract
    • sample ng inyong paystubs/pay slips
    • (kung meron) ship employment manuals/guidelines
  • Mababawi ko ba ang aking pagpaparehistro?

    Kung ibinigay niyo sa amin ang inyong suporta ngunit gusto ninyong mag-withdraw, maari kayong magpadala ng email sa info.tag@seafarersclaim.com.

    Kung naitalaga niyo na sa amin ang inyong claim, hindi na kayo maaaring magwithdraw.

  • Paano itinataguyod ng Equal Justice Equal Pay Foundation ang kanilang layunin?

    Sinusuportahan ng Equal Justice Equal Pay Foundation ang mga akademikong pananaliksik at iba pang pag-aaral na may kinalaman sa karapatang pantao, di-pagdidiskrima, pantay na pagtrato at pantay na pagpapasweldo, internasyonal na mga batas, at mga batas ukol sa karagatan. Magsasampa ito ng isang sama-samang aksyong danyos (damages collective action) sa Netherlands sa ngalan ng mga Indonesian at Pilipinong marino ng mga barkong Dutch at magsilbing kinatawan ng mga ito sa associated court proceedings, kung saan ay kumuha ito ng isang espesyalistang Dutch law firm, Rubicon Impact & Litigation.

  • Paano kung hindi tayo manalo? Kakailanganin ko bang bayaran ang mga legal na gastusin ng mga may-ari ng barko?

    Hindi. Wala kayong babayarang “adverse costs” kung sakaling hindi magtagumpay ang kaso.

  • Ano ang mga susunod na hakbang pagkatapos namin magparehistro?

    Matapos niyong magparehistro, susuriin namin ang inyong claim at titignan kung kumpleto ang inyong information. Maaari kaming humingi ng karagdagang impormasyon. Kapag sapat na ang laki ng grupo, sisimulan na namin ang pagsasampa ng kaso sa Netherlands upang mabawi ang inyong backpay. Kung kami ay matagumpay, ang mga sumali lamang sa aming grupo ang makakatanggap ng bayad sa pamamagitan ng aming Foundation.

  • Gaano katagal aabutin ang proseso?

    Nagsusumikap kaming makuha ang inyong backpay sa lalong madaling panahon. Makikipag-ugnayan kami sa mga may-ari ng barko bago magsampa ng kaso sa mga regular na pagitan upang mapabilis ang proseso at maghangad ng mabilis na out-of-court na resolusyon upang makuha ninyo ang inyong backpay sa lalong madaling panahon. Kung ayaw ng mga may-ari ng barko na gawin ang tama, maaaring tumagal ng ilang taon ang ating legal na pagkilos. Ipo-post dito ang mga regular na updates.

  • Ano ang mga kwalipikasyon ng mga abogado na itinalaga ng Foundation?
    • Si Frank Peters ay isang partner sa Rubicon Impact & Litigation na may 25 na taong karanasan sa abogasya na may partikular na galing sa komersyal, internasyonal at pang-grupong paglilitis. Pinamumunuan niya ang isang grupo ng mga abogado na may karanasan sa class action.
    • Maxime Eljon is an associate at Rubicon Impact & Litigation who specializes in dispute resolution, including mass damage cases and international commercial contracts, with a particular expertise in tort law. She is currently involved in a number of group actions involving human rights violations.

  • Kung magpaparehistro ako, paano gagamitin ang aking mga personal na impormasyon?

    Gagamitin ang iyong mga detalye at dokumento upang matukoy kung maaari mong makolekta ang iyong claim, at wala nang iba. Ito ay alinsunod sa mga regulasyon ng Dutch at European privacy regulations, gaya ng General Data Protection Regulation. Hindi namin kailanman ibabahagi ang iyong mga detalye o impormasyon sa isang third party nang wala ang iyong nakasulat na pahintulot.

    Tingnan dito ang aming Pahayag sa Pagkapribado.

  • Nasaktan o naaksidente ako sa trabaho at ngayon ay may mga gastusing medikal at hindi na nakapagtrabaho sa loob ng ilang buwan. Maaari ba akong tulungan ng Equal Justice Equal Pay Foundation upang makakuha ng danyos?

    Hindi. Maaari lang mabawi ng Equal Justice Equal Pay Foundation at mga abogado nito ang backpay at kabayaran sa pagdidiskrimina sa sweldo. Hindi kasama sa mga pagsisikap ng Foundation ang anumang mga kaso batay sa pagkawala, pinsala, sakit o kamatayan.

  • Di ko mahanap ang tanong ko dito. May ibang paraan pa ba makapagtanong?

    Maari kang mag-send ng email sa info.tag@seafarersclaim.com sa kahit na anong oras at sasagutin namin ito. Kung nais mo pa rin kaming makausap, maaari kaming mag-schedule ng tawag.

  • Maaari pa ba akong sumali sa kaso pagkatapos malaman ang kinalabasan nito?

    Malamang ay di ito magiging posible. Para makasigurado na makikinabang ka sa anumang compensation kung sakaling magtagumpay ang kaso, dapat munang mairehistro ang iyong claim sa Foundation.

  • Kailan ko kailangan magregister para makasama sa claim?

    Tumatanggap kami ngayon ng mga rerehistro hanggang sa 1 Enero 2023. Makikita sa aming website ang anumang update tungkol sa deadline ng filing.

  • Paano ako mabibigyan ng update tungkol sa proceedings?

    Ilalagay namin ang anumang update tungkol sa kaso sa aming website (www.seafarersclaim.com), sa ilalim ng “Katayuan ng Claim” na makikita sa ilalim ng “Tungkol Dito” na tab. Magpapadala rin kami ng newsletter o update sa inyong email address kung irerehistro ninyo ang inyong claim.

  • Maaari ba akong sumali na hindi nakikilala?

    Hindi ka maaaring sumali sa claim nang hindi nakikilala (anonymously) o gamit ang pangalan ng iba.

  • Libre ba ang magparehistro?

    Oo, wala kang babayaran sa paglahok sa kaso. Sisingilin lang ang mga bayarin at gastusin kung matagumpay ang kaso. Ito ay ibabawas mula sa kabayaran na matatanggap mo.

  • Bakit ko kailangan pumasok sa isang kasunduan para makapagrehistro ng claim?

    Inililipat ng assignment ang inyong claim sa Foundation upang maclaim nito ang inyong backpay sa ilalim ng pangalan ng Foundation. Kung magtagumpay ang claim, ibibigay ng Foundation sa inyo ang inyong backpay.

  • Maaari ba akong lumahok sa mga proceedings? (Maaari ko ba ito gawin digitally?)

    Bukas sa publiko ang mga paglilitis sa korte sa Netherlands at maaari kang dumalo ng personal. Hindi karaniwang ipinapalabas ito online, ngunit kung kinakailangan, susubukan ng Foundation na gawin ito. Patuloy na bisitahin ang aming website para makita ang mga updates tungkol dito.

  • Gusto ko sanang magbigay ng aking pahayag tungkol sa diskriminasyon na aking naranasan. Posible ba ito?

    Labis ang aming interes sa inyong mga kwento. Kung nais niyo itong ibahagi, maaari niyo itong ipadala gamit ang email o video. Huwag mag-atubiling ipaalam sa amin kung nais niyong magbigay ng video o nakasulat na salaysay sa korte.

  • Bakit sa Netherlands nagaganap ang claim o kaso?

    Dahil ang kaso ay laban sa mga Dutch na may-ari ng barko na nananatili o nakahimpil sa Netherlands, kailangang isampa ang kaso sa Netherlands.

  • Ano ang legal basis ng kasong ito?

    Ang karapatan sa ilalim ng saligang batas at iba pang batas ukol sa pantay na pagtrato at pantay na sweldo.

  • Ano ang tiyansa na magiging matagumpay ang kasong ito?

    Hindi pa namin kayang magbigay ng prediksyon ukol dito sa ngayon. Gayunpaman, nananalig ang Foundation na ang diskriminasyon sa sweldo ay iligal at na magtatagumpay ang kaso. Habang hindi namin ginagarantiya ang pagkapanalo, gagawin namin ang lahat upang mapapayag ang mga may-ari ng barko at ang korte na ang mga marinong Indonesian at Pilipino ay dapat na mabayaran dahil sa hindi pantay na pagtrato patungkol sa pagpapasweldo na kanilang dinanas sa mahabang panahon.

  • May diskriminasyon rin akong naranasan na walang kinalaman sa pagpapasweldo. Maaari rin ba ako makatanggap ng danyos para dito?

    Hindi ito nasasaklaw ng kasong ito. Ang danyos na hinihingi ay para lamang sa diskriminasyon ukol sa pagpapasweldo. Gayunpaman, nais pa rin naming marinig ang inyong mga kwento dahil mahalaga pa rin itong malaman ng korte. Hinihikayat namin kayong magpadala ng inyong mga kwento sa aming email.

  • Kung manalo kayo, ibig sabihin ba nito na magkakaroon ng pagbabago sa aking kontrata sa hinaharap?

    Hihingin namin sa korte na itigil ang ano mang di-pantay na pagtrato at pagpapasweldo mula sa puntong ito.

  • Kung ako ay magpaparehistro, maaari pa ba akong magsampa ng kaso laban sa aking employer para sa diskriminasyon sa pagpapasweldo?

    Hindi. Kung ikaw ay magpaparehistro, inililipat mo na sa Foundation ang inyong karapatang mangkaso tungkol sa diskriminasyon sa pagpapasweldo at hindi na kayo maaring mangkaso mag-isa.

  • Kung ako ay magpaparehistro, maaari pa ba akong magsampa ng kaso laban sa aking employer para sa mga pinsalang may kinalaman sa trabaho?

    Oo. Ang mga pinsalang may kinalaman sa trabaho ay hindi kasama sa kasong ito. Hindi mo naililipat ang iyong mga karapatang magsampa ng sariling kaso ukol sa mga pinsalang natamo mula sa inyong trabaho.

  • Nagtrabaho ako sa isang barkong Dutch pero ang aking manning agency ay ang aking employer. Maaari pa ba akong sumali?

    Oo, maaari ka pa ring sumali.

  • Maaari ba ninyong suriin ang aking kontrata upang malaman kung ako ay karapat-dapat na sumali?

    Kung magpaparehistro ka, susuriin namin ang iyong mga kontrata at iba pang mga dokumento para malaman kung karapat-dapat ka sa sumali. Makakatanggap ka ng kumpirmasyon kung kwalipikado.

  • Paano ko malalaman kung ang aking mga dokumento ay iniingatan ng maayos?

    Ang lahat ng dokumento ay prinoproseso at itinatago sa loob ng iisang sistema. Walang third party ang makakagamit sa mga impormasyon na ito. Nakikipag-ugnayan ang Foundation sa mga eksperto sa privacy law para mapanatiling ligtas ang lahat ng datos na aming sinisiyasat batay sa GDPR.

  • Ano ang nangyayari sa aking mga datos?

    Maaari lamang basahin ang aming privacy notice at ang aming cookie notice at padalhan kami ng email sa info.tag@seafarersclaim.com  kung mayroon pa kayong mga katanungan.

2025 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
This initiative is powered by
crosschevron-down