Magrehistro

Ang Aming Layunin 
at Misyon  

Ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay isang non-profit organisasyon na itinatag upang kumatawan sa pang-ekonomiya, pinansyal, at legal na interes ng mga marino mula sa mga bansang mabababa ang sahod (low-wage countries). Nagsusumikap ito na protektahan ang mga marino at ipahiwatig ang pagsasamantala at diskriminasyon na nararanasan nila sa media, panitikang legal at iskolarship, kasama na ang mga politiko at iba pang mga taga-gawa ng batas at polisiya, sa buong mundo, kasama na rito ang Indonesia, Pilipinas, Netherlands, at European Union. Bukod dito, nais din nitong panatiliin ang pakikipagtulungan sa mga domestik at dayuhan na unyon ng mga manggagawa, at iba pang mga kalahok sa industriya at ahensya ng gobyerno.
Kasama sa aming misyon ang pag-sponsor ng mga akademikong pananaliksik at iba pang pag-aaral ukol sa mga karapatang pangtao, non-discrimination , patas na pagtrato at pantay na sweldo, batas internasyonal,at batas maritime . Nagsisilbi rin kami bilang kumakatawan (claim vehicle) para sa pagkolekta ng danyos sa isang kolektibong aksyon sa Netherlands sa ngalan ng mga marinong may residence sa Pilipinas at Indonesia habang nagtatrabaho sa mga barkong nasa ilalim ng Dutch flag. Nagsisilbing kinakatawan ng mga marino ang foundation kaugnay sa paglilitis sa korte. Kaya naman, Rubicon Impact & Litigation , sila ay isang Dutch law firm na naka-base sa Amsterdam na nagpakadalubhasa sa ganitong mga paglilitis.

Ang Foundation (“Foundation) ay isang Dutch legal na entity (‘stichting’ sa Dutch) na itinatag bilang isang non-profit organisasyon para kumatawan sa interest ng mga naapektuhan ng hindi patas na pagtrato at hindi pantay na sweldo sa mga Dutch na barko. Ang Foundation ay pumasok sa isang kasunduan sa funding kasama ang funder Guildford Funding LLC, sila ay isang litigation funder na naka-base sa Wilmington, Delaware, Estados Unidos, para mapondohan ang lahat ng gastos ng Foundation ukol sa pagsulong ng interes ng mga marinong may residence sa Pilipinas at Indonesia na naapektuhan ng hindi patas na pagtrato at hindi pantay na sweldo sa mga Dutch-flagged na barko. Ang Funding Agreement ay nakasulat at ganap nang naisakatuparan ng mga partido. Alinsunod sa Funding Agreement, kung sakaling may pagtatalo sa pagitan ng mga partido ang Netherlands Arbitration Institute (NAI) lamang ang may hurisdiksyon at ang batas ng Netherlands ang magaaplay. Pinagusapan nang masinsinan ang mga kondisyon ng Funding Agreement. Matapos nito, nagkasundo ang Board ng Foundation at ng Funder na ang mga kondisyon ng Funding Agreement ay alinsunod sa Dutch Claim Code. Hindi rin magkasalungat ang mga kondisyon ng Funder at ang kolektibong interes na nais protektahan ng Foundation batay sa Articles of Incorporation nito.

Bilang kapalit sa serbisyo, panganib, at gastos ng Funder, may karapatan ang Funder makakuha ang lahat ng nagastos nito kaugnay sa Foundation kasama na ang gastos sa mga abogado. Ang Funder ay makakatanggap din ng bayad katumbas ng 20% ng net financial recovery. Ang net financial recovery ay financial recovery matapos bawasan ng expenses reimbursed o reimbursable sa Funder.

Ang mga miyembro ng board, ang mga abogado nito, at iba pang nagbibigay serbisyo sa Foundation ay mayroong buong kasarinlan mula sa Funder. Ang Funding Agreement ay confidential. Nagkasundo ang Foundation at ang Funder sa mga kondisyonal na pagbabahagi ng impormasyon, na ayon lamang sa mga karapatan at obligasyon ng Funder sa ilalim ng Funding Agreement. Sa ilalim ng ilang kondisyon at pangyayari, at alinsunod sa kautusan ng kaugnay na korte, maari ibigay ng Foundation ang Funding Agreement sa korte.

Ang Foundation ay pinamamahalaan ng isang board of directors.

Ang Board of Directors ay walang direkta o indirektang motibo upang pagkakitaan ito.

Sinusuportahan ng mga sumusunod na NGO's at non-profit organizations mula sa iba't ibang panig ng mundo ang ginagawa ng Foundation

Mga miyembro ng board

Ir. K.J (Kees) van Ast (1951).

(2015 – kasalukuyan) miyembro ng lupon ng pamamahala ng Twente Technology Fund BV

(2001 – kasalukuyan) independiyenteng chairman ng Stichting Bloembollenkeuringsdienst

(1989 – kasalukuyan) independiyenteng chairman ng Stichting Kwaliteits-Controle Bureau.

(2005 – 2015) vice chairman ng Lupon (college van bestuur) ng University of Twente

(1997 – 2005) vice chairman ng lupon (college van bestuur) ng Wageningen University

Prof.Dr A.A.H. (Aukje) van Hoek

(current) Professor of private international law and civil procedure at the University of Amsterdam

(current) Scientific advisor to the international legal institute (IJI) in The Hague

(as of January 2024) President of the Royal Dutch Society of International law KNVIR

(2008 - 2022) Honorary Justice at the Court of Appeals ‘s-Hertogenbosch

Prof.Dr J. (Jutta) Bolt

(2020 - ngayon) Propesor ng Global Economic History, Universidad ng Groningen

(2017 - ngayon) Associate Professor, Lund University, Departamento ng Economic History

(2018 - ngayon) Miyembro ng Lupon Unger van Brero Fonds

(2018 - ngayon) Miyembro ng Lupon Nederlands Economisch Historisch Archief (NEHA)

(2016 - ngayon) Research affiliate Centre for Political Research (CEPR)

(2015 - ngayon) Miyembro ng Lupon African Economic History Network
2025 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
This initiative is powered by
crosschevron-down