NGO support

Sinusuportahan ng mga sumusunod na NGO's at non-profit organizations mula sa iba't ibang panig ng mundo ang ginagawa ng Foundation
Ang Global Labor Justice ay isang strategy hub na sumusuporta sa transnasyonal na kolaborasyon ng mga samahang manggagawa at samahang migrante para palawakin ang mga karapatang manggagawa at ang mga panibagong anyo ng pakikipagsundo sa mga global value chain at mga international labor migration corridors. Ang Global Labor Justice ay nakikipagtulungan sa mga grassroots na samahang manggagawa at migrante upang itaguyod ang pangmatagalang pagbabago sa polisiya at kagawiang korporasyon na di namanmantala ng manggagawa katulad ng sapilitang pagtrabaho, at itinataguyod ang inobatibong mga struktura ng pananagutan na tumutugon sa ekonomiyang globalisado.
Ang Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) ay isang non-stock, non-profit, legal focused advocacy and service institution na inorganisa upang tugunan ang mga legal at teknikal na pangangailangan ng mga marginalized, disempowered, at vulnerable groups, partikular na ang mga benepisyaryo ng agrarian reform, magsasaka, mga migrant sectors, pati na ang mga komunidad na apektado ng mga sakuna at biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao. Minimithi ng IDEALS ang mamamayang pinalakas ng pinapakinggang pamumuno, pantay-pantay na pagkakataon, at abot-kayang hustisya.
Ang “The Outlaw Ocean Project” (o “OOP”) ay isang non-profit na samahang pamamahayag na nagbabahagi ng mga kuwentong imbestigatibo tungkol sa mga isyung manggagawa sa karagatan, sa mga karapatang pantao, at sa kalikasan. Inaasam ng OOP na mangmulat sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan at pagpapalawak ng pag-unawa ng publiko tungkol sa mga problemang lumulutang at lumulubog sa dagat, at sa pagsasalaysay ng iba’t ibang krimen sa karagatan, kabilang dito ang pagiging stranded ng mga marino, modernong pang-aalipin, ang pagpapatay ng mga stowaway, ang pagnanakaw ng mga barko, ang pagpupuslit ng armas, at ang pagpatay nang walang parusa.
I-claim ang iyong ipinagkait na sahod

Gusto mo bang mabawi ang sahod mong ipinagkait sa iyo ng mga Dutch na may-ari ng barko?

Sapat kang mabayaran nang katumbas ng sinumang miyembro ng crew mula sa Europe para sa parehong trabaho.
Sumali sa kaso dito.
2025 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
This initiative is powered by
crosschevron-down