Kolektibong legal na aksyon

I-claim ang iyong nararapat na sahod!

May mga Pilipino at Indonesian na marino na sumasampa sa barkong rehistrado sa Dutch flag na nakararanas ng diskriminasyon. Maaari mong i-claim ang iyong ipinagkait na sahod kung:
  • ikaw ay nagtrabaho sa barkong rehistrado sa Dutch flag
  • sa nakalipas na limang (5) taon
  • habang nakatira sa bansang Indonesia o Pilipinas

Bakit ka aaksyon?

Kung ikaw ay nakapagtrabaho sa barkong Dutch, maaaring kulang ang natatanggap mong sweldo dahil sa diskriminasyon sa pagitan ng mga European at Asyanong marino. Doble ang natatanggap na sahod ng mga European kaysa sa mga Indonesian at Pilipinong marino para sa parehong trabaho sa iisang barko.
Anuman ang sinasabi ng iyong kontrata, ang diskriminasyon sa sahod ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng Netherlands. Ikaw ay may karapatang mabayaran ng parehong sahod ng sinumang European crew members na may kaparehong trabaho.

Artikulo ng batas

“Ang empleyado ay may karapatan sa parehong employment conditions na natatanggap ng ibang empleyadong nagtatrabaho sa parehong position o position na katumbas ang halaga… pagdating sa sahod at iba pang kabayaran.”
Pagtatalaga ng mga Ahensiya sa pag-empleyo
Art. 8(1)(a)
“Labag sa batas na mag-diskrimina sa o kaugnay ng … mga tuntunin at kundisyon ng pag-empleyo …”
Batas sa patas na pagtrato
(Netherlands). Art. 5 (1)(e)
“Naaangkop din ang batas na ito sa trabahong ginawa o bahaging ginawa sa labas ng Netherlands ng mga taong nagtatrabaho sa mga barkong pinahihintulutan ng batas ng Dutch na lumayag sa ilalalim ng flag ng Kingdom (or UK).”
Pagtatalaga ng mga Ahensiya sa pag-empleyo 
Art. 1(a)
  • “Ang empleyado ay may karapatan sa parehong employment conditions na natatanggap ng ibang empleyadong nagtatrabaho sa parehong position o position na katumbas ang halaga… pagdating sa sahod at iba pang kabayaran.”
    Pagtatalaga ng mga Ahensiya sa pag-empleyo
    Art. 8 (1)(a)
  • “Labag sa batas na mag-diskrimina sa o kaugnay ng … mga tuntunin at kundisyon ng pag-empleyo …”
    Batas sa patas na pagtrato
    (Netherlands). Art. 5 (1)(e)
  • “Naaangkop din ang batas na ito sa trabahong ginawa o bahaging ginawa sa labas ng Netherlands ng mga taong nagtatrabaho sa mga barkong pinahihintulutan ng batas ng Dutch na lumayag sa ilalalim ng flag ng Kingdom (or UK).”
    Pagtatalaga ng mga Ahensiya sa pag-empleyo 
    Art. 1(a)
Kwalipikado ba akong sumali sa kasong ito?

Ikaw ay kwalipikado kung:

requirement : 1/3
Ikaw ay nagtrabaho bilang isang marino sa isang barkong naglalayag sa ilalim ng Dutch flag. 
requirement : 2/3
Ang iyong huling araw ng trabaho sa barkong iyon ay naganap sa loob ng nakalipas na limang taon.
requirement : 3/3
Noong ikaw ay tinanggap para magtrabaho sa barkong iyon, ikaw ay nakatira sa Indonesia o Pilipinas. 
Sumali sa claim dito
The Equal Justice Equal Pay Foundation

Ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay pinagpondohang organisasyon.

Ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay isang makapangyarihan at pondonadong organisasyon.

Upang panagutin ang mga Dutch shipping company, ship operators at/o mga may-ari ng barko at upang tulungan ang mga Indonesian at Filipino na marino na mabawi ang kanilang mga ilegal na ipinagkait na sahod, ang Equal Justice Equal Pay Foundation ay naghahanda na magkaso sa Netherlands sa ngalan ng mga marino na nakatira sa Pilipinas o Indonesia noong natanggap sila sa trabaho.

Itinalaga ng Equal Justice Equal Pay Foundation ang specialist disputes law firm na Rubicon Impact & Litigation, na nakabase sa Amsterdam, upang kumatawan sa Foundation para sa kasong ito. Ang mga abogado na itinalaga para sa kaso ay:

Si Frank Peters
Isang kasosyo sa Rubicon Impact & Litigation na may 24 na taong karanasan sa pagsasanay ng batas na may partikular na kadalubhasaan sa komersyal, internasyonal at pang-grupong paglilitis.
Magbasa pa
Maxime Eljon
Sa siyang associate sa Rubicon Impact & Litigation na nakatutok sa dispute resolution, kasama ang mass damage na mga kaso at international commercial contracts. May katangi-tangi siyang kahusayan sa tort law. Nakatutok siya ngayon sa mga group actions na may human rights violations.
Magbasa pa
Sarah Stapel
Bilang isang associate sa Rubicon na nakatutok sa proteksyon ng mga pundamental na karapatan gamit ang kolektibong pangkakaso, kasama siya sa samu’t-saring class actions na naglalayong sabay na protektahan ang mga karapatang ito at maningil ng danyos para sa mga paglabag nito.
Magbasa pa

Paano ito gumagana?

Ang mga seaman na hindi nagparehistro sa aming Foundation ay maaaring walang karapatan sa backpay o anumang iba pang danyos sa pamamagitan ng aming Foundation. Kung magpaparehistro ka, maaari kang makilahok, kasama ng libu- libong iba pang mga seaman, sa isang “walang panalo, walang bayad” na batayan. Wala kang utang sa abugado o sinuman sa anumang bayad o gastos maliban kung magtagumpay kami sa pagbawi ng iyong maling ipinagkait na sahod. Kung mabawi namin ang iyong backpay, sasagutin ng porsyento ngnalikom ang pagbayad sa mga serbisyong ibinibigay sa mga seaman, kasama ang trabahong ligal na isinagawa at fee para sa pagpopondo. Oras na para bayaran ka ng mga Dutch na may-ari ng barko ng kaparehong sahod ng iyong mga kasamahang European.
01
Magrehistro
Kumpletuhin ang form na may mga pangunahing personal na detalye at mag-upload ng mga kopya ng mga nakaraan at kasalukuyang mga kontrata sa pagtatrabaho.
Magrehistro dito
02
Pagsusuri
Ang iyong pagsusumite ay susuriin at isasama sa aming collective action kung ikaw ay mapatunayang karapat-dapat.
Magrehistro dito
03
Simulan ang pagclaim
Sisimulan natin ang mga paglilitis sa Netherlands sa ngalan ng kolektibong grupo ng mga marino na sumali sa aming kaso.
Magrehistro dito
04
Pagkapanalo sa kaso
Kung matagumpay naming mabawi ang mga ipinagkait na sahod, ililipat namin ang iyong bahagi sa iginawad na halaga sa bank account na iyong pinili, pagtapos ng pagbawas ng halaga ng ginastos na nakasaad sa mga terms.
Magrehistro dito
Ang mga seaman na hindi nagparehistro sa aming Foundation ay maaaring walang karapatan sa backpay o anumang iba pang danyos sa pamamagitan ng aming Foundation. Kung magpaparehistro ka, maaari kang makilahok, kasama ng libu- libong iba pang mga seaman, sa isang “walang panalo, walang bayad” na batayan. Wala kang utang sa abugado o sinuman sa anumang bayad o gastos maliban kung magtagumpay kami sa pagbawi ng iyong maling ipinagkait na sahod. Kung mabawi namin ang iyong backpay, sasagutin ng porsyento ngnalikom ang pagbayad sa mga serbisyong ibinibigay sa mga seaman, kasama ang trabahong ligal na isinagawa at fee para sa pagpopondo. Oras na para bayaran ka ng mga Dutch na may-ari ng barko ng kaparehong sahod ng iyong mga kasamahang European.

Hindi ako kwalipikado, paano ako makakatulong?

I-print ang file na ito

I-print ang file na ito at ibahagi ito sa iyong komunidad
Download

Ibahagi sa Facebook

Ibahagi ang larawan sa Facebook sa iyong mga kaibigan at pamilya

Ibahagi ang website

Ibahagi ang website na ito sa iba pang Filipino at Indonesian na mga tripulante at kaibigan
FAQ

Mga Madalas Itanong

See more
May diskriminasyon sa pagpapasweldo ang mga Dutch na may-ari ng mga barko. Binabayaran nila ang mga Indonesian at Filipino crew members ng sahod na halos 60 - 65% mas mababa kumpara sa ibang lahi. Labag ito sa batas.

Magsasampa ang Equal Justice Equal Pay Foundation ng kaso sa Netherlands upang makolekta ang sumatutal na kulang sa inyong sweldo sa loob ng nakaraang 5 taon.
Maaari kang sumali kung ikaw ay nakatira sa Indonesia o Pilipinas at nagtrabaho sa isang barkong Dutch mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Pagkatapos mong magparehistro, sisiyasatin namin ang iyong claim at titingnan kung kumpleto ang lahat ng impormasyon. Maaari kaming mag-follow up para sa mga iba pang karagdagang impormasyon. Kapag sapat na ang rami ng ating grupo, ilulunsad namin ang ating demanda sa Netherlands para mabawi ang bayad na hindi wastong naibigay. Kung kami ay magtagumpay, ang mga nagrehistro lamang sa aming grupo ang makakatanggap ng bayad sa pamamagitan ng aming Foundation.
Oo. Hindi ka sisingilin para sa pagsali. Nagtatrabaho kami sa isang no cure no pay basis. Ikaw ay sisingilin lamang ng mga bayarin at gastos kung matagumpay lamang ang kaso. Ang mga ito ay ibabawas mula sa kabuuan ng kabayarang matatanggap mo.
Nagsusumikap kaming makuha ang iyong back pay sa lalong madaling panahon. Makikipag-ugnayan kami sa mga may-ari ng barko bago magsampa ng aming kaso at sa mga regular na pagitan upang pabilisin ang proseso at humingi ng mabilis na resolusyon sa labas ng korte upang maibigay sa iyo ang iyong backpay sa lalong madaling panahon. Kung ayaw ng mga may-ari ng barko na makipagtulungan, maaaring tumagal ng ilang taon ang aming legal na aksyon. Ang mga regular na update ay ipo-post dito.
See more
I-claim ang iyong ipinagkait na sahod

Gusto mo bang mabawi ang sahod mong ipinagkait sa iyo ng mga Dutch na may-ari ng barko?

Sapat kang mabayaran nang katumbas ng sinumang miyembro ng crew mula sa Europe para sa parehong trabaho.
Sumali sa kaso dito.
2025 Seafarersclaim
Privacy Policy
Cookie Policy
Nakarehistro sa Netherlands Chamber of Commerce sa ilalim ng numero ng kompanyang 86307835
This initiative is powered by
crosschevron-downarrow-down-circle